Sunday, August 20, 2006

ilang minuto sa purgatoryo

nung gabing tinanong siya ng marami tungkol sa bagay na katanung-tanong para sa kanilang lahat, nagtaka siya nang ang unang namutawi sa labi ay mga kataga ng pagtanggap at pag-unawa. dalawa lang naman yan, maaaring yun ang katotohanan o isang panlilinlang hindi lamang ng kapalitan ng salita kung hindi ng kanya mismong sarili.

sa una'y matatag ang pagdepensa sa sagot ngunit sa paulit-ulit a pagtanong ng mga sumunod
ay unti-unting nalito maski ang sarili nyang pagdadahilan. paulit-ulit ang pagpapaniwala sa iba
na tama ang nasabi ngunit sa takbo ng mga pangyayari, maski sarili ay naguguluhan. dalawa lang naman yan, maaaring nagpatangay lamang siya sa paniniwala ng iba o madali siyang magwaksi ng pagkukubli kapag sa tingin niya'y kailangan nang basagin ang katahimikan.

sa wakas ay naubos ang mga minutong maghahatid ng ilang sandaling sinubukang paghandaan.
nagpaagos sa daloy ng salita ng bawat isa ngunit sa bawat sambit ay nakakulong ang katotohanang hindi niya mawari sa pagkakataong iyon ngunit payak at eksakto para sa kanyang kausap. nadaan sa tuluy-tuloy na paghahanap ng paksa ng malikhaing isipan ngunit siya, nakagugulat man, ay nakikiayon sa takbo ng mga minuto. dalawa lang naman yan, maaaring natatakot siya na mag-umpisa ng panibagong katatakutan o natatakot siyang matapos ang paghahanap ng kasagutan hindi pa man nagmamadaling-araw.

2 Comments:

At 1:11 AM, Blogger banani said...

huweeee. naku naku. dapat talaga hindi ka pumupunta ng obernayt

 
At 12:00 AM, Blogger chabs said...

oo nga e..
at dapat di na nga tinuloy ang ilang minutong pagpapalitan ng salita..haha

 

Post a Comment

<< Home