Friday, June 30, 2006

napakahabang maikling kwento.

akala ko nun play ang buhay ko. naku, maikling kwento pala.

ang daming patterns. ang daaaaming characters. iba-ibang setting. (masyadong mahirap kung sa dula). madali lang intindihin, kahit isang upuan lang. (kaya nga hindi pumasang nobela). punung-puno ng emosyon. makulay.

at syempre, ako ang bida.

ngayon ko lang napagtanto itong life-changing fact (for me at least, katotohanan ito).

akala ko nung bata pa ako pinanganak ako para iligtas ang mundo. inisip ko pa noon na may superpowers na binigay sakin para mai-save ang earth. akala ko lang pala yon. sobra pa sa patunay ang lahat ng nangyayari ngayon. hindi pala ako ganun kagaling.

masyado nang maraming kontrabida sa istorya. ang hirap nilang labanan, ang hirap nilang harapin. ang malungkot pa dito, alam ko namang kaya ko, kaya lang alam ko ring mahirap gawin yon. kailangan ng paninindigan, kailangan ng tapang.

nalulungkot ang bida sa kwento. ang sikip na kasi ng mundo. seryoso. palaging present ang mga antagonists para igapos ang mga kamay ko. kamusta naman ang di ko paggalaw. naku, kailangan na talaga ng espasyo.

ang hirap naman ng conflict. di makapagsalita ang bida, as in literal. di nya masabi na literal na siyang nasisikipan dahil sa pagdating nila. di nya masabi yung opinyon nya dahil baka mahalata pang di talaga sya mahilig mag-recite. di nya mailabas yung totoong bida dahil bago pa lang siya. at hindi niya masabi sa kanya lahat ng gusto nyang sabihin.

nakakapagod maghinanakit sa mga kontrabida.

pahinga muna. baka sa susunod na mga pahina, resolution na.

1 Comments:

At 4:00 AM, Blogger banani said...

kahit kailan walang resolution ang tunay na buhay.

 

Post a Comment

<< Home