Sunday, June 11, 2006

para kay maestro.

Magiging magaling siyang guro. Bukod sa pagtuturo niya sa akin kung paano ang tamang pag-intindi sa mag likhang-sining, kung gaano kahalaga ang buhay ng mga napag-iiwanan ng makabagong panahon, kung bakit nararapat na alalahanin ang nakalipas ng bawat lugar, tinuruan niya ako kung paano makapunta sa isang mundo...
Sa mundong binibigyan ako ng kalayaan kung ano ang aking gustong paniwalaan, sa mundong humihingi ng aking opinyon at saloobin tungkol sa maliliit na bagay, sa mundong palaging nag-aalala sa akin, sa mundo kung saan mahaba ang oras, sa mundo kung saan napakahalaga ng mga tala, sa mundong nagpakita na mahiwaga ang maglaan ng panahon sa kapwa, sa mundo kung saan palaging tinatawag ang aking pangalan, sa mundong humikayat sa aking mahalin ang mundong tunay kong tirahan, sa mundong nagbigay ng kahalagahan ng ngiti, sa mudong nais marating ng marami, sa mundong hindi ko pa rin alam kung dapat ko na bang lisanin, sa mundong alam kong babalikan ko kung sakali mang ako'y lumisan, sa mundong hindi ko akalain na mapupuntahan ko, sa mundong matagal kong pinaniwalaan na hindi totoo, sa mundong pinilit akong maging ako, sa mundong nagtago ng kalungkutan pansumandali, sa mundong nagpakita ng maraming pagpipiliiang destinasyon, sa mundong mahiwaga, makapangyarihan, at mapangarapin, sa mundong nalaman ko lamang dahil hinayaan ng tadhana na maging bahagi ako ng kanyang buhay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home