Thursday, August 24, 2006

Listahan

Mga KAILANGAN kong gawin:

1.mag-aral sa law (midterms on SAT)
2.mag-aral sa acctg (quiz on MON)
3.mag-aral sa math (midterms on MON)
4.mag-aral sa sci 10 (longtest on MON)
5.asikasuhin ang yabag (deadline on SAT)
6.tumulong sa enta (opening night na ng Satirika)
7.gawin ang e-mail propa for Book Repair Activity (bukas na kasi yon)
8.pumunta sa OSA at sabihing di ako pwede sa SAT dahil sa Law exam
9.I-schedule (for the nth time) ang NSTP Group Direction
10.magbayad at maghanap ng damit para sa Alumni Homecoming (for SAT)

Mga GUSTO kong gawin:
1.mag-aral sa law
2.mag-aral sa acctg
3.mag-aral sa math
4.mag-aral sa sci 10
5.gawin ang e-mail propa
6.maghanap ng damit para sa Alumni Homecoming
7.manood ng movie (Click o kahit ano)
8.mag-overnight (movie marathon or wala lang)
9.magbasa ng libro (True Believer at iba pang books na binili ko)
10.magbakasyon sa Baguio/Bicol/Pangasinan


--Nakakainis naman minsan, gusto ko rin naman yung mga kailangan kong gawin e, kaya lang nauubusan ako ng oras. Dahil dito, magwiwish na lang ako. Naniniwala akong matutupad ang mga ito.

Mga hiling ko (from THURSDAY-MONDAY):
1.ma-move ang longtest sa Sci 10 sa Wednesday.
2.mawalan ng pasok sa Monday, sabi nila National Heroes Day daw so
dapat wala.
3.may mangyaring super maganda sakin ngayong araw.
4.magkaroon na ako ng allowance for the month.
5.may "manlibre" sakin sa entrance fee for Alumni Homecoming.
6.matapos ko ang Law today at super maintindihan ko ang lesson
namin sa Acctg.
7.makapag-aral ako nang sobra sa Math.
8.makasama ako sa TOP 10 sa Law Midterms.
9.umulan sa gabi.
10.makapanaginip ng super maganda.

--haay..sana matupad LAHAT.

*"I will lead the blind on roads they have never known. I will guide them
on the paths they have never traveled. Their road is dark and rough, but I will give light to keep them from stumbling. This is my solemn promise."
-Isaiah 42:16

*"A day certain is understood to be that which must necessaarily come,
although it may not be known when." -Civil Code, Article 1193, par.3

Sunday, August 20, 2006

ilang minuto sa purgatoryo

nung gabing tinanong siya ng marami tungkol sa bagay na katanung-tanong para sa kanilang lahat, nagtaka siya nang ang unang namutawi sa labi ay mga kataga ng pagtanggap at pag-unawa. dalawa lang naman yan, maaaring yun ang katotohanan o isang panlilinlang hindi lamang ng kapalitan ng salita kung hindi ng kanya mismong sarili.

sa una'y matatag ang pagdepensa sa sagot ngunit sa paulit-ulit a pagtanong ng mga sumunod
ay unti-unting nalito maski ang sarili nyang pagdadahilan. paulit-ulit ang pagpapaniwala sa iba
na tama ang nasabi ngunit sa takbo ng mga pangyayari, maski sarili ay naguguluhan. dalawa lang naman yan, maaaring nagpatangay lamang siya sa paniniwala ng iba o madali siyang magwaksi ng pagkukubli kapag sa tingin niya'y kailangan nang basagin ang katahimikan.

sa wakas ay naubos ang mga minutong maghahatid ng ilang sandaling sinubukang paghandaan.
nagpaagos sa daloy ng salita ng bawat isa ngunit sa bawat sambit ay nakakulong ang katotohanang hindi niya mawari sa pagkakataong iyon ngunit payak at eksakto para sa kanyang kausap. nadaan sa tuluy-tuloy na paghahanap ng paksa ng malikhaing isipan ngunit siya, nakagugulat man, ay nakikiayon sa takbo ng mga minuto. dalawa lang naman yan, maaaring natatakot siya na mag-umpisa ng panibagong katatakutan o natatakot siyang matapos ang paghahanap ng kasagutan hindi pa man nagmamadaling-araw.

Friday, August 18, 2006

ang kasaysayan ng kasaysayan ay isa na lamang kasaysayan

Whew.

Masarap aplang makapag-buntunghininga.

yeaboi.

Ang galing talaga ni Lord.

Ü

Nawawala na ang sarili ko, buti anman nagpakita ka na, nung isang linggo pa kita hinahanap.
Namiss kita, wag ka nang mawawala ah.

Sunday, August 06, 2006

Typing...

Mahirap sabihin na kinain mo yung sinabi mo.
Pero madaling i-type.
Nakakahiyang aminin na naulit na naman ang istorya, balik sa simula.
Pero madaling i-type.
Mahirap sabihin na pinakawalan mo ang pagkakataong maging malaya.
Pero madaling i-type.
Nakakahiyang aminin na hindi mo matiis ang isang tao.
Pero madaling i-type.
Ang hirap magpakatotoo.
Walang burahan, di katulad ng pagtatype.



Nabasa ko na ang Vanuatu raw ang happiest place on earth.

Shet. pano ba makapunta don?