Tuesday, May 01, 2007

1

"I wanna give you love but all i have is rain."
________________________________

Matagal na kong hindi nakapagpost dito. Siguro dahil marami akong ginagawa. Pwede ring dahil ayaw ko lang talagang sumulat. Kahit naman kasi anong isulat ko rito, hindi pa rin masasabi ang pinakamahahalagang bagay. Puros blah blah blah lang. Bira nang bira, wala namang kwenta.

Tutal nasimulan ko rin namang gawing "wala lang" and entry na 'to. Bara-bara na lang din ang susunod na mga linya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sarili ko dahil baliw na naman ako sa pag-aaral. Masaya kasi. May reward pa. Araw-araw akong nagbabasa ng required readings at nag-aadvance reading pa. Nafrufrustrate sa isang sure na mali sa longtest at hanggang langit ang talon pag nakaperfect. Ang babaw. Parang tanga.

Gusto kong magmatanglawin. Pero hindi pwede.

Gusto kong mag-enta. Pero hindi rin pwede.

Gusto kong magGabay. YATA. Pero parang huwag na lang.

Gusto kong magmove on. Pero parang hindi. Na parang kaya ko nga. Ay hindi pala. Teka, dapat nang umusad. Sandali, saka na lang. Mahirap makalimot, mabuti pa siya. Ako rin dapat. Pwede bang umasa? Ang tanga ko talaga. Dapat yata magmove on na. Sige oo na nga. Naku ang hirap talaga. Sandali.. Pero.. Pwede bang..

Ayoko sa bahay, maingay. Ayoko sa school, nakakatakot.

Gusto kong mag-evaporate. Yun.

kung sino mang makakabasa nito, libre mo akong ice cream. Masarap kasi yun tamang-tama pa sa panahon. Salamat!

1 Comments:

At 3:23 AM, Blogger Lynn Maxwell said...

ate maral!

haaay. ganyan talaga.
sabi nga nila, ang trabaho ay parang alkohol. lunurin mo ang sarili mo dito at makakalimutan mo ang mga problema't bumabagabag sayo.

pero kahit ganun, may mga bagay talagang haharapin at haharapin parin natin.

madaling tumakas at tumakbo, pero mahirap magtago.

haaay. miss na kita, ate! :D ingat lagi! mahal kita!

-miles

 

Post a Comment

<< Home